Sanofi Pasteur pinakakasuhan na rin ng Senado kaugnay sa Dengvaxia

By Den Macaranas April 11, 2018 - 05:28 PM

Inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga opisyal at ilang empleyado ng Sanofi Pasteur na siyang manufacturer ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Sa draft report ng nasabing komite, nakasaad na dapat managot ang Sanofi sa pagbebenta sa bansa ng depektibong anti-dengue vaccine na dahilan para malagay sa panganib ang buhay ng ilang mga kabataan.

Mas mabigat na kaso rin ang kanilang dapat kaharapin kapag napatunayan na ang Dengvaxia nga ang dahilan ng kamatayan ng ilang mga kabataan nabakunahan nito ayon kay Sen. Dick Gordon na siyang chairman ng komite.

Nauna nang sinabi ni Gordon na inirerekomenda ng kanilang komite ang pagsasampa ng kaukulang mga kaso laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Budget Sec. Butch Abad at dating Health Sec. Janet Garin dahil sa kanilang kapabayaan.

Kabilang rin sa mga pinakakasuhan ang mga dating opisyal ng Department of Health at pinuno ng ilang pampublikong ospital.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

Philippine Children’s Medical Center chief Dr. Julius Lecciones; dating Food and Drug Administration Director Dr. Kenneth Hartigan-Go; former FDA officer in charge Dr. Lourdes Santiago; FDA Center for Drug Regulation and Research officer in charge Dr. Melody Zamudio; Disease Prevention and Control Bureau officers in charge Director III Dr. Joyce Ducusin, at Director IV Dr. Mario Baquilod.

TAGS: Aquino, Dengue Vaccine, Dengvaxia, FDA, Gordon, Sanofi, Aquino, Dengue Vaccine, Dengvaxia, FDA, Gordon, Sanofi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.