Documentary special na “Alaala” ni Alden Richards, wagi sa TV and Film Awards sa New York
Nagwagi ang documentary special ng GMA-7 na “Alaala” sa 2018 TV & Film Awards sa New York.
Pinagbidahan ni Alden Richards ang nasabing documentary na tumalakay sa Martial Law.
Sa post sa twitter ng direktor na si Adolfo Alix Jr., sinabi nitong nakuha ng “Alaala: A Martial Law Special” ang Silver World Medal sa Docudrama category.
Binati din ni Alix ang lahat ng nasa likod ng documentary mula sa mga staff hanggang sa casts nito.
Personal na tinanggap ni Alden ang award sa nasabing festival.
Ang nasabing documentary special ay ipinalabas sa GMA-7 noong Sept. 17, 2018 bilang paggunita sa ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar sa bansa.
Ginampanan ni Alden ang papel bilang si Bonifacio Ilagan na isang award-winning screenwriter.
Si Ilagan ay dumanas ng paghihirap noon sa mga kamay ng noo’y Philippine Constabulary.
Gumanap din sa nasabing documentary sina Gina Alajar, Bianca Umali, at Rocco Nacino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.