Palasyo, handang sagutin ang UN opinion na iligal ang pagkulong kay Ex-Pres. Arroyo

 

File photo

Sasagutin punto por punto ng pamahalaang Pilipinas ang ruling ng United Nations o UN patungkol sa patuloy na detensyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Kasunod ito ng deklarasyon ng UN Working group on Arbitrary Detention na paglabag sa International Law ang patuloy napagkaka-detine sa dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Representative Arroyo dahil sa kasong plunder.

Ayon kay Communications Sec Sonny Coloma, nakarating na sa kanila ang deklarasyon ng UN at naghahanda na ng kaukulang sagot dito.

Nanindigan si Coloma na ang Pilipinas, bilang signatory sa International Convention on Civil & Political Rights at sa Universal Declaration of Human Rights ay tumatalima sa lahat ng obligasyon nito sa international community at tinitiyak din na lahat ay nabibigyan ng ‘due process’ sa ilalim ng batas.

Ang nasabing ruling ay sagot sa petisyon ng international human rights lawyer na si Amal Clooney na kumwestyon sa patuloy na hospital arrest sa may sakit na dating presidente ng Pilipinas.

Read more...