Bata patay matapos malunod sa wave pool sa Bulacan

By Rohanisa Abbas April 11, 2018 - 09:43 AM

Patay ang isang pitong taong gulang na babae matapos malunod sa isang wave pool sa Bulacan.

Nalunod ang biktima matapos niyang subukang kunin ang salbabida ng kanyang nakababatang kapatid.

Bago pa man masagip ng mga kasamang matatanda, nalunod na ang bata.

Inireklamo ng ina ng biktima na si Marilyn Catipon na hindi umano marunong mag-CPR ang lifeguard na naka-duty, at wala ring medical team sa lugar.

Magbibigay naman ng hindi tinukoy na halaga ang pamunuan ng resort sa pamilya ng batang nalunod.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bulacan, Radyo Inquirer, wave pool, Bulacan, Radyo Inquirer, wave pool

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.