1 preso na lang ang tinutugis sa 17 bilanggo na tumakas sa Zamboanga City

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 11, 2018 - 09:36 AM

Photo from Zamboanga City Police

Isang preso na lang ang hindi pa nadadakip mula sa 17 preso na tumakas sa jail break na naganap kahapon, araw ng Martes sa Zamboanga City.

Ayon sa Zamboanga City Police Office, tanging ang bilanggo na si Sali Sulayman na lamang ang pinaghahanap ngayon ng mga otoridad.

Ito ay makaraang muling maaresto ang 16 na mga preso na tumakas matapos lagariin ang padlock ng kanilang selda sa
Tetuan Police Station.

Ipinag-utos na ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Dapat aniya managot kung mayroong pulis na mapapatunayang nagpabaya sa tungkulin kaya nakatakas ang mga bilanggo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: jail break, Tetuan police station, Zamboanga City, jail break, Tetuan police station, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.