Dating pulis na si Wally Sombero sumuko sa Camp Crame
Sumuko sa Camp Crame ang dating pulis na umano ay nagsilbing middleman sa bribery scandal na kinasangkitan ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI).
Iniharap sa media ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Dir. Oscar Albayalde si Retired Sr. Supt. Wenceslao “Wally” Sombero.
Si Sombero ang sinasabing “middleman” ng gaming tycoon na si Jack Lam.
Si Lam umano ang nagbigay ng suhol kina dating Immigration Commissioners Al Argosino at Michael Robles na nagkakahalaga ng P50 million para makalaya ang 1,300 na Chinese nationals na inaresto noong November 2016 dahil sa ilegal na pagtatrabaho sa Clark Freeport Zone.
Kahapon ay nauna nang inaresto sina Argosino at Robles matapos dumalo sa pagdinig sa Sandiganbayan.
Nakakulong na ngayon sa City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang dalawa matapos ipag-utos ng Sandiganbayan 6th Division ang pagpapakulong sa kanila dahil sa kasong plunder na non-bailable offense.
Sa naging utos ng Sandiganbayan ay kasama ring ipinaaresto si Sombero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.