Napagkasunduan din sa bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at President Xi Jinping na ituloy ang offshore oil development ng dalawang bansa.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, nangako ang China na magbibigay sa Pilipinas ng 500 million yuan o katumbas na P3.8 billion bilang economic assistance.
Nag-usap din ang dalawang lider tungkol sa South China Sea dispute at nagkasundo sesentro sa stability sa rehiyon.
Kabilang din sa napagkasunduan sa bilateral meeting ang mas maigting pang kooperasyon ng China at Pilipinas sa paglaban sa terorismo at ilegal na droga.
Personal ding pinasalamatan ni Pangulong Duterte si Xi sa pagpapatayo ng drug rehabilitation facilities sa bansa.