Chinese President Xi Jinping bibisita muli sa bansa ngayong taon
Muling bibisita sa Pilipinas si Chinese President Xi Jinping sa Nobyembre.
Ayon kay presidential spokesman Harry Roque, babalik sa bansa si Xi sa nasabing buwan matapos ang gagawin niyang pagdalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Papua New Guinea.
Ito ang magiging unang pagtungo sa bansa ni Xi na si Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa pwesto dahil November 2015 pa nang ito ay huling magtungo sa bansa.
Dumating noon sa bansa si Xi para sa taunang regional meeting na ginanap dito sa Pilipinas.
Katatapos lamang ng pagbisita ni Pangulong Duterte sa China kung saan dumalo siya sa Boao Forum for Asia.
Sa nasabing pagdalo, nagkaroon ng bilateral meetings sa pagitan nin Duterte at Xi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.