Dalawang NDFP consultants, mahigit isang buwan nang nawawala
Nawawala ang dalawang consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Ayon kay Marcella Arsenio, tagapagsalita ng NDFP-Far South Mindanao Region (NDFP-FSMR), ang mag-asawang sina Lora Manipis at Jeruel Domingo ay bigla na lang nawala mula noong February 24 sa Kidapawan City.
Hinala naman ng kanilang mga kasamahan sa grupo, ang mga sundalo ang nasa likod ng pagkawala ng dalawa.
Ayon kay Arsenio dalawang taon nang minamanmanan ng intelligence agents ng pamahalaan sina Manipis at Domingo.
Ani Arsenio bago maging consultant ng NDFP si Manipis ay naging mass organizer ito ng New People’s Army (NPA) sa Southern Mindanao sa loob ng ilang taon.
Si Domingo naman ay naging NPA commander sa South Cotabato.
Itinanggi naman ni Maj. Gen. Noel Clement, commander ng 10th Infantry Division ng Philippine Army ang paratang ng NDFP na nasa kostodiya ng militar ang dalawa.
Hinamon din ni Clement ang mga rebelde na magsampa ng kasong kidnaping sa militar kung may ebidensya silang nasa kostodiya ng AFP ang mga nawawala nilang miyembro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.