Karagdagang 109 na OFWs mula Kuwait, nakauwi na ng bansa
Isa pang panibagong batch ng Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Kuwait ang nakauwi na sa bansa.
Sakay ng Qatar Airways flight QC 934 ang 109 na OFWs nang lumapag ito sa Ninoy Aquino International Airport kagabi.
Ayon sa panayam ng Philippine News Agency (PNA) kay DFA Office of Public Diplomacy Executive Director Charmaine Aviquivil, sinabi nitong target ng kagawaran na makapagpauwi ng 10,000 OFWs mula Kuwait hanggang April 22.
Anya, ang naturang petsa ay ang deadline ng extension ng amnesty program ng Kuwaiti government.
Samantala, umaabot na anya sa mahigit 4,000 OFWs ang naiuuwi sa bansa kabilang na ang panibagong batch kagabi ayon kay Aviquivil.
Ang repatriation ng mga pinoy workers sa nasabing bansa ay bunsod pa rin ng deployment ban na ipinatupad matapos ang mga ulat ng pang-aabuso sa pinoy workers partikular sa kinahinatnan ng Pinay OFW na si Joanna Demafelis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.