Bus nahulog sa ilog sa Kenya, 17 patay

By Erwin Aguilon April 11, 2018 - 06:40 AM

AP photo

Hindi bababa sa 17 katao ang nasawi habang 46 naman ang nasugatan matapos mahulog sa ilog ang isang bus sa Narok, Kenya.

Ayon sa ulat ng Xinhua News Agency, patungo sa Nairobi ang bus galing sa Hima Bay County nang mawalan ng kontrol ang driver ng bus sa manibela nito.

Sinabi ni Narok County Commissioner George Natembeya, iniwasan ng driver ang kasalubong na truck kaya ito nahulog sa ilog.

Nangyari ang insidente sa Siyiapei river sa Narok-Maai Mahiu road.

Sa tala ng National Transport Safety Authority ng Kenya tinatayang nasa 3,000 Kenyans ang namamatay sa aksidente kada taon.

 

 

 

 

 

 

TAGS: bus accident, Kenya, bus accident, Kenya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.