Obama nag-sorry sa pag-bomba ng U.S plane sa isang ospital sa Afghanistan
Personal na humingi ng paumanhin si U.S President Barrack Obama sa ginawang air strike ng mga sundalong Kano na tumama sa isang ospital sa Kanduz, Afghanistan.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Obama na aksidente ang nangyari nang tamaan ng bomba mula sa isang AC-130 attack plane ng U.S ang Medical Facility sa Kanduz na pinamamahalaan ng Doctors Without Borders na isang grupo ng mga International Medical Professionals.
Kaagad din na nakipag-ugnayan si Obama kay Afghan President Ashraf Ghani para sa pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon.
Nauna nang sinabi ng White House na humingi ng military assistance noong Sabado ang mga sundalong Afghan dahil sa ginawang pag-atake ng mga rebelde.
Nagkamali sa pagpapalitan ng impormasyon at coordinates ang magkabilang panig dahilan upang sa ospital bumagsak ang bomba na ikinamatay ng labing-dalawang duktor at sampung pasyente.
Kahapon ay nanawagan ng isang independent probe si Dr. Joanne Liu, International President ng Doctors Without Borders dahil sa umano’y pag-atake hindi lamang sa lugar ng mga sibilyan kundi sa nabuong Geneva Convention na nagtatakda ng mga parameters para sa isang uri ng digmaan para sa mga conflict areas.
Gusto ni Dr. Liu na pangunahan ng International Humanitarian Fact-Finding Commission ng United Nations ang imbestigasyon para malaman kung sino ang mga dapat managot sa nasabing insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.