Mga lalawigan sa Bicol Region, Samar Provinces at ilang rehiyon sa Mindanao, uulanin ngayong araw
Makararanas ng pag-ulan ngayong araw sa mga lalawigan sa Bicol Region, Samar Provinces at ilang rehiyon sa Mindanao dahil sa tail end ng cold front at easterlies.
Sa weather forecast ng PAGASA, tail-end ng cold front ang umiiral sa Southern Luzon na maghahatid ng kalat kalat na pag-ulan sa Catanduanes, Camarines Norte at Camarines Sur.
Ayon sa PAGASA, dahil sa hanggang katamtamang pag-ulan at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan, maaring makaranas ng pagbaha at landslide sa nasabing mga lalawigan.
Samantala, easterlies naman ang naka-aapekto ngayong araw sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Dahil dito, makararanas din ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang Samar Provinces, Caraga at Davao Region. Maari din itong magdulot ng pagbaha at landslides.
Samantala, localized thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.