Ibinunyag ni PBA Rep. Jericho Nograles na aabot sa P1.8 billion ang nasingil ng Grab sa mga customer nito.
Ayon kay Nograles, naniningil ang Grab ng P2 kada minutong travel period taliwas sa kanilang deklarasyon na wala silang ‘per minute charges’.
Iligal anya ang paniningil na ito ng nasabing Transport Network Service sapagkat hindi sila pinapayagan ng LTFRB na maningil ng kada minutong byahe.
Bukod dito, mayroon din anyang P40 flagdown rate at sampu hanggang katorse pesos na kada kilometro na sinisingil ang Grab.
Paliwanag ng mambabatas ang P1.8 billion ay nasingil ng nasabing TNS sa nakalipas na limang buwan.
Sa isang resibo na nakuha ng kongresista nakalagay na P55 ang siningil ng Grab sa dalawampu’t pito at kalahating minutong byahe.
Kaugnay nito, hinikayat ni Nograles ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na magpatupad ng ‘refund’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.