Travel agent arestado sa entrapment operation sa Quezon City

By Justinne Punsalang April 11, 2018 - 03:26 AM

Inaresto ng mga elemento ng Quezon City Police District – District Special Operations Unit (QCPD-DSOU) ang isang travel agent matapos nitong tangayin ang pera ng kanyang kliyente.

Nakilala ang suspek na si Arlene Calbonero, na tinangay ang aabot sa P250,000 na pera ng biktimang si Ma. Rizalina Hombe.

Modus umano ni Calbonero na magpanggap na nag-book na siya ng plane ticket para sa kanyang mga kliyente. Ngunit kapag malapit na o sa mismong araw na ng flight ng mga ito ay malalaman na hindi pa pala bayad ang kanilang plane ticket.

Kwento ni Hombe, limang ticket papunta at pauwi ng Los Angeles, California para sa limang tao ang sinabi ni Calbonero na kanyang binook.

Nang malaman niyang invalid ang kanilang hawak na ticket at natangay na pala ng suspek ang kanyang pera ay lumapit si Hombe sa QCPD para sa ikadarakip ng suspek.

Ayon kay QCPD director, Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar, nagsagawa sila ng entrapment operation laban kay Calbonero matapos nitong muling manghingi ng karagdagang P120,000 mula kay Hombe.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek sa detention facility ng QCPD habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.