Panukalang 2016 budget, sinertipikahan na urgent ng Pangulo

By Alvin Barcelona October 08, 2015 - 07:58 PM

2016_proposed_General_Appropriations_Act_per-government_agency
Inquirer infographics

Sinertipikahan na bilang urgent bill ni Pangulong Benigni Aquino III ang proposed P3.002-Trillion budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma Jr., ang nasabing balita ang laman ng report ni Presidential Legislative Liason Office (PLLO) Sec. Manuel Mamba matapos na isumite sa Kongreso ang Certification mula sa Pangulo.

Umaasa ang Malacanang na maipapasa na ang naturang panukala upang para mapondohan ang mga nakalinyang proyekto ng pamahalaan sa susunod na taon.

Nasa second reading na ang naturang panukala sa Kongreso . Una nang inihayag ni Pangulong Aquino na magagamit lamang ang pondo ng bayan sa mga proyektong mapakikinabangan ng nakararaming Pilipino.

Bahagi na din aniya ito ng pagpapalakas ng gobyerno upang mapanatili ang paglago ng ekonomiya ng bansa .

Magugunitang ilang beses na ring kwinestyon ang panukala dahil sa may nakapaloob umanong lump sum appropriations na magagamit ng mga mambabatas sa kani-kanilang proyekto.

TAGS: 2016 Budget, PNoy, Urgent bill, 2016 Budget, PNoy, Urgent bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.