SC magdedesisyon sa quo warranto vs. CJ Sereno base sa ebidensya – Justice Tijam

By Marilyn Montaño April 11, 2018 - 03:07 AM

Naalarma si Supreme Court Justice Noel Tijam sa ipinahiwatig ni Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno na ang kaso laban sa kanya ay sa pagitan ng kabutihan at kasamaan.

Sa oral arguments sa quo warranto case na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban kay Sereno, napuna ni Tijam ang insinuation ni Sereno na hindi magtatagumpay ang kasamaan at tila pinalalabas nito ang isyu ng moralidad.

Paglilinaw ng mahistrado, ang mga miyembro ng Korte Suprema ay magdedesisyon batay sa iprinisintang ebidensya at hindi dahil may laban sa pagitan ng kabutihan at kasamaan.

Isa si tijam sa limang mahistrado na nais ni sereno na mag-inhibit sa
Pagdinig ng quo warranto petition laban sa kanya dahil tumestigo ang mga ito laban sa kanya sa impeachment proceedings sa kamara.

Pero tinanggihan ni tijam ang mosyon ni sereno laban sa kanya.

Sinabihan pa nito ang punong mahistrado na wala siyang sinabi na
Lumabag ito sa konstitusyon sa pagtanggi sa pagtestigo sa kamara kundi mandato ni sereno na maging bahagi ng constitutional proceedings.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.