Zark’s Burger-Lyceum tinalo ang Centro Escolar University sa 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup

By Justinne Punsalang April 11, 2018 - 02:57 AM

Muling maghaharap ang Zark’s Burger-Lyceum at Centro Escolar University (CEU) para sa do-or-die game ng quarterfinals ng 2018 PBA D-Leauge Aspirants’ Cup.

Ito ay matapos talunin ng Jawbreakers ang CEU sa iskor na 104-95 sa kanilang laban sa Pasig Sports Center.

Ayon sa kanilang coach na is Topex Robinson, bagaman masaya sila sa kanilang pagkapanalo ay hindi pa rin sila kumpyansa na matatalo nilang muli ang CEU.

Ani Robinson, sigurado siyang pursigido ang CEU na makabawi sa kanilang susunod na tapatan.

Pinangunahan ni Mike Nzeusseu ang Jawbreakers sa pamamagitan ng kanyang 28 points na sinundan naman ni CJ Perez na nakapagbigay ng 26 points.

Para naman sa CEU, si Rod Ebondo ang nanguna sa kanyang 32 puntos.

Magaganap ang muling paghaharap ng dalawang koponan sa kanilang Game 2 sa Huwebes na magaganap sa Ynares Sports Arena.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.