Pangulong Duterte, inihalintulad sa acting nina Paquito Diaz at Max Alvarado

By Jan Escosio April 11, 2018 - 12:46 AM

INQUIRER File Photo

Para kay detained Senator Leila de Lima parang kontrabida sa mga action movies si Pangulong Rodrigo Duterte sa inasal nito laban kay Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni De Lima hindi katanggap-tanggap na pag-uugali bilang opisyal ng gobyerno ang ginawa ni Pangulong Duterte, ngunit aniya ito ay katulad ng pagganap sa pelikula ng mga yumaong kilalang kontrabida na sina Paquito Diaz at Max Alvarado.

Ayon pa kay de Lima, katulad pa rin sa mga pelikula, susundin naman ng kanyang mga maton sa Kamara ang kanilang amo sa utos nitong patalsikin na si Sereno sa puwesto.

Dagdag pa ng Senadora na ito ang sitwasyon ngayon sa bansa, isang pelikula ngunit aniya ang nangyayari sa Pilipinas ay hindi panonood sa sinehan na maaring lumabas kung ayaw ang palabas.

Sa kanyang reaksyon pa rin sa naging asal ni Pangulong Duterte, tinawag ito ni De Lima na sangganong walang modo, makitid at hangal ang pag-iisip.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.