Sa inihain niyang Senate Resolution No. 704 nais nitong magsagawa ng pagdinig ang mga kinauukulang komite ukol sa epekto ng TRAIN Law sa mamamayan at sa ekonomiya ng bansa.
Partikular na nais malaman ni Aquino ang epekto ng pagpapataw ng karagdagang excise tax sa mga produktong-petrolyo na umabot sa P7 sa gasolina at P2.50 naman sa krudo.
Aniya dapat maging bukas ang lahat sa pagsuspindi sa excise tax kapag lumabas na nakakasama ito sa kabuhayan ng taumbayan.
Paalala nito, inaprubahan ng Kongreso ang batas base sa paggarantiya ng Department of Finance na ang magiging epekto nito sa inflation rate ay wala pang isang porsiyento, ngunit noong nakaraang buwan ang inflation rate ay umakyat na sa 4.3 porsiyento.