Train Law inihirit ni Sen. Bam Aquino na muling suriin

By Jan Escosio April 11, 2018 - 12:33 AM

Dahil sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin at serbisyo, sinusuyo ni Senator Bam Aquino ang mga kapwa senador na suriin ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sa inihain niyang Senate Resolution No. 704 nais nitong magsagawa ng pagdinig ang mga kinauukulang komite ukol sa epekto ng TRAIN Law sa mamamayan at sa ekonomiya ng bansa.

Partikular na nais malaman ni Aquino ang epekto ng pagpapataw ng karagdagang excise tax sa mga produktong-petrolyo na umabot sa P7 sa gasolina at P2.50 naman sa krudo.

Aniya dapat maging bukas ang lahat sa pagsuspindi sa excise tax kapag lumabas na nakakasama ito sa kabuhayan ng taumbayan.

Paalala nito, inaprubahan ng Kongreso ang batas base sa paggarantiya ng Department of Finance na ang magiging epekto nito sa inflation rate ay wala pang isang porsiyento, ngunit noong nakaraang buwan ang inflation rate ay umakyat na sa 4.3 porsiyento.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.