Sen. Santiago nagpahiwatig ng pagsabak sa Presidential Election
Nagpahiwatig na rin si Senador Mirriam Defensor Santiago ng intensyong sumabak sa Presidential Elections sa 2016.
Sa kanyang opisyal na Facebook Account, sinabi ni Santiago na hindi na siya magpa-pakipot at handa na siyang lumaban dahil ito umano ang hinihingi ng pagkakataon at ng ibat-ibang sektor ng lipunan.
Ayon sa Media Relations Officer ni Santiago na si Kim Arveen Patria, malalaman ang pinal na desisyon ng Senador hanggang sa October 16, ang huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy.
Kung matutuloy, si Santiago na ang pang-pitong Senador na sasabak sa Presidential at Vice-Presidential bid sa susunod na taon.
Si Santiago ay magdadalawang taon nang naka-medical leave matapos ma-detect noong July 2 ng nakaraang taon sa stage 4 na Lung Cancer.
Kung sakaling matutuloy ang kanyang pagtakbo, si Santiago ang magiging opisyal na kandidato ng kanyang partidong People’s Reform Party na siya ring partidong ginamit niya sa kanyang Presidential bid noong 1992.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.