Oral arguments sa Quo Warranto petition vs. Sereno tinapos na ng SC
By Erwin Aguilon April 10, 2018 - 10:58 PM
Pinagsusumite ng memorandum ni Acting Chief Justice Antonio Carpio sina Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno at Solicitor General Jose Calida kaugnay sa quo warranto petition laban sa punong mahistrado.
Sa pagtatapos ang oral arguments sa Supreme Court sa Baguio City, inatasan ni Carpio ang magkabilang panig na magsumite ng memorandum at iba pang mga kinakailangang mga dokumento sa loob ng sampung araw. Matapos ito ayon kay Carpio ay submitted for resolution na ang petisyon. Lalamanin ng memorandum ang summary ng mga argumento ng magkabilang kampo at iba pang mga karagdagang mga ‘claims’ upang palakasin ang kanilang mga posisyon. Tumagal ng limang oras ang oral arguments kung saan nagmarka ang mainitang argumento sa pagitan nina Sereno at Associate Justice Teresita Leonardo de Castro.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.