Dating BI Commissioners Argosino at Robles nakakulong na sa Camp Bagong Diwa

By Erwin Aguilon April 10, 2018 - 10:57 PM

Nakakulong na ngayon sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang mga dating commissioner ng Bureau of Immigration na sina Al Argosino at Michael Robles na sangkot sa pangingikil.

Ito ay matapos ipag-utos ng Sandiganbayan 6th Division ang pagpapakulong sa mga ito dahil sa kasong plunder na non-bailable offense.

Nasa gusali ng Sandiganbayan sina Argosino at Robles nang ipag-utos ang pagpapalabas ng arrest order sa mga ito matapos kakitaan ng probable cause ang kanilang kaso para magbayad ng pyansa para sa mga kasong graft, direct bribery at paglabag sa Presidential Decree No. 46 na nagbabawal sa mga public officials na tumanggap ng regalo.

Kasama rin sa ipinapaaresto ng Anti-Graft Court para sa kasong plunder ang sinasabing middleman na si Wenceslao Sombero Jr.

Naglabas din ng arrest warrant ang korte para kasong paglabag sa PD 46 ang Macau-based tycoon Jack Lam na may nakarekomendang pyansa na P10,000 para sa kanyang pansamantalang Kalayaan.

Sina Argosino at Robles ay ikakusahan nang pangingikil ng P50 million kay Lam noong November 27, 2016 kapalit ng Kalayaan ng 1,316 Chinese nationals na nagtatrabaho dito ng walang visa.

Isinoli ng mga to ang sinasabing bribe money pero kulang ito ng P1,000.

TAGS: Al Argosino, Camp Bagong Diwa, Michael Robles, sandiganbayan, Al Argosino, Camp Bagong Diwa, Michael Robles, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.