Chinese business group hinimok ni Duterte na pumasok sa bansa

Inquirer file photo

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga dayuhang mamumuhunan na maglagak ng negosyo sa Pilipinas.

Sa talumpati ng pangulo sa pagbubukas sa Boao Business Forum for Asia sa China, sinabi nito na naghahanap ngayon ang Pilipinas ng mga magiging
business partner.

Sinabi pa ng pangulo na bagama’t may kinakaharap na mga hamon ang bansa ay magandang lugar ang Pilipinas na paglagakan ng kalakal dahil sa pinadali na ang sistema ng pagnenegosyo.

Bukod dito, maayos na rin aniya ang peace and order sa Pilipinas kung ikukumpara noong mga nakaraang taon.

Sinabi pa ng pangulo na tinutugunan na ng gobyerno ang malawakang korupsyon na isa sa mga nagiging hadlang sa pagnenegosyo.

Kumpiyansa ang pangulo na tataas ang oportunidad ng mga negosyante sa Pilipinas dahil sa mga magagaling at masisipag ang mga manggagawang Pinoy.

Read more...