Militar at BIFF muling nagbakbakan sa Maguindanao

By Rohanisa Abbas April 10, 2018 - 03:29 PM

Inquirer file photo

Sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at militar sa Maguindanao.

Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, nagsagawa ng clearing operations ang 601st Infantry Brigade ng Philippine Army sa Datu Saudi Ampatuan matapos makatanggap ng ulat na nasa lugar ang ilang kasapi ng BIFF.

Nasugatan sa engkwentro ang dalawang sundalo.

Nadiskubre rin ng militar ang pagawaan ng armas ng grupong Jamaatul Muhahireen Wal Ansal na pinamumunuan ni dating BIFF leader Abu Torayfie sa Datu Salibo.

Naapektuhan ng bakbakan ang 405 pamilya.

TAGS: AFP, BIFF, Datu Saudi Ampatuan, maguindanao, Philippine Army, AFP, BIFF, Datu Saudi Ampatuan, maguindanao, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.