Tatlong miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang patay habang limang iba pa ang naaresto matapos ang engkwentro na nangyari sa bayan ng Bato, Camarines Sur.
Ayon kay Lt. Gen. Danilo Pamonag na siyang Commander of Southern Luzon Command, pasado alas-said ng umaga kanina ng mangyari ang engkwentro sa pagitan ng NPA at mga tauhan ng 83rd Infantry Batallion ng Philippine Army.
Umabot ng isang oras ang palitan ng putok ng magkabilang panig.
Samantala, wala namang walang naitalang nasugatan sa panig ng gobyerno.
Sa ngayon ay ikinasa na ang hot pursuit operation laban sa mga miyembro ng NPA na tumakas matapos ang insidente.
MOST READ
LATEST STORIES