3 NPA members napatay ng militar sa bakbakan sa Camarines Sur

By Mark Makalalad April 10, 2018 - 03:26 PM

Inquirer file photo

Tatlong miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang patay habang limang iba pa ang naaresto matapos ang engkwentro na nangyari sa bayan ng Bato, Camarines Sur.

Ayon kay Lt. Gen. Danilo Pamonag na siyang Commander of Southern Luzon Command, pasado alas-said ng umaga kanina ng mangyari ang engkwentro sa pagitan ng NPA at mga tauhan ng 83rd Infantry Batallion ng Philippine Army.

Umabot ng isang oras ang palitan ng putok ng magkabilang panig.

Samantala, wala namang walang naitalang nasugatan sa panig ng gobyerno.

Sa ngayon ay ikinasa na ang hot pursuit operation laban sa mga miyembro ng NPA na tumakas matapos ang insidente.

TAGS: AFP, bato, camarines sur, encounter, NPA, AFP, bato, camarines sur, encounter, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.