Panahon ng tag-init, opisyal nang idineklara ng PAGASA
Opisyal na panahon na ng tag-init ayon sa PAG-ASA.
Martes ng umaga, Abril 10, idineklara ng weather bureau na pumasok na ang summer season.
Ayon kay Leni Ruiz, weather forcaster ng PAG ASA, tuluyan na kasing humihina ang northeast monsoon o amihan na siyang nagdadala ng malamig na hangin sa bansa.
Bukod dito nakapagtala rin sila ng “gradual increase” sa temperatura na indikasyon ng tuyong panahon.
Kahapon, naitala sa General Santos City ang 35 degrees Celsius na temepratura.
Inaashan naman na maglalaro sa 24 hanggang 33 degrees ang temperatura sa Metro Manila habang 23 hanggang 31 degrees Celsius naman sa Tuguegarao.
Kung maaalala noong nakaraang taon, inanunsyo ng PAGASA ang simula ng summer season noong Abril 5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.