Maaaring dumalo si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa board ng Boao Forum for Asia sa Hainan, China.
Ayon kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana, posibleng palitan ni Arroyo si dating Pangulong Fidel Ramos sa pagpupulong batay sa kanyang naging imbitasyon.
Paliwanag nito, layon nitong mapanatili ang pagkakaroon ng Pilipinas ng representante sa Boao Board.
Nag-courtesy call si Arroyo sa Punong Ehekutibo pagdating nito sa Southern China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.