Higit 50 biktima ng bitcoin scam, nagreklamo sa Camp Crame; Mga suspek na naaresto, nakatangay ng P900M
Sumugod sa tanggapan ng Camp Crame ang mahigit 50 mga biktima ng bitcoin online investment scam.
Tinatayang aabot sa P900 milyon ang nakuha mula sa mga biktima na nanggaling pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Nabatid na sa ilalim ng bitcoin, pinapangakuan ang mga investor na madodoble ang kanilang mga investment sa loob lamang ng maikling panahon.
Halimbawa kung ang investment ng kliyente ay nasa P25,000, matapos ang 16 araw ay magiging P50,000 na ito.
Para itong style ng stock market kung saan ang cash ng mga investors ay papalitan ng imaginary currency na tinatawag na bitcoin.
Sa nangyaring scam, napag-alaman na hindi tumupad sa “promise of return” ang mga suspek at hindi na nagparamdam sa mga downline nito.
Nitong April 4, naaresto ng CIDG ang mag-asawang sina Arnel Ordonio, 27, at Leonady Ordonio na registered owners ng NewG company.
Ang mga suspek ay mahaharap sa syndicated estafa.
Pinangangambahan namang tumaas pa sa P900 milyon ang nakuha ng mga suspek oras na lumutang pa ang ibang biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.