Ayon kay Guevarra, kinakailangan kasi ng mga mapagkakatiwalaang tao sa DOJ.
Gayunman, agad na nilinaw ni Guevarra na hindi naman niya sisibakin ang lahat ng mga tauhan na hinakot noon ni dating Justice secretary Vitaliano Aguirre II.
Ayon kay Guevarra, mananatili pa rin sa DOJ ang mga matitino at magagaling na tauhan ni Aguirre.
“Like anyone new on the job, I’ll have to recruit a few good men to help. First order of the day. This is not to say though that I’ll replace everyone picked by Sec. Aguirre”, pahayag ni Guevarra
Sa flag raising ceremony, pormal nang namaalam si Aguirre sa mga kawani ng DOJ.
April 5 nang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanya nang tinatanggap ang pagbibitiw ni Aguirre bilang kalihim ng DOJ.
Narito ang ilang pahayag ni Aguirre sa naturang flag raising ceremony: