Guevarra, maghahakot ng sariling tauhan sa DOJ; Ilang appointee ni Aguirre, mananatili sa pwesto

By Chona Yu April 10, 2018 - 11:22 AM

Gaya ng ibang bagong appointee, magdadala rin ng sariling magagaling at matatalinong tao si Justice Secretary Menardo Guevarra.

Ayon kay Guevarra, kinakailangan kasi ng mga mapagkakatiwalaang tao sa DOJ.

Gayunman, agad na nilinaw ni Guevarra na hindi naman niya sisibakin ang lahat ng mga tauhan na hinakot noon ni dating Justice secretary Vitaliano Aguirre II.

Ayon kay Guevarra, mananatili pa rin sa DOJ ang mga matitino at magagaling na tauhan ni Aguirre.

“Like anyone new on the job, I’ll have to recruit a few good men to help. First order of the day. This is not to say though that I’ll replace everyone picked by Sec. Aguirre”, pahayag ni Guevarra

Sa flag raising ceremony, pormal nang namaalam si Aguirre sa mga kawani ng DOJ.

April 5 nang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanya nang tinatanggap ang pagbibitiw ni Aguirre bilang kalihim ng DOJ.

Narito ang ilang pahayag ni Aguirre sa naturang flag raising ceremony:

TAGS: dating Justice secretary Vitaliano Aguirre II, DOJ, Justice Secretary Menardo Guevarra., dating Justice secretary Vitaliano Aguirre II, DOJ, Justice Secretary Menardo Guevarra.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.