DOT, planong isama ang Boracay sa bidding para maging host ng 2019 Miss Universe

Ikinukunsidera ng Department of Tourism (DOT) na mag-bid para isagawa sa Boracay ang 2019 Miss Universe bilang muling paglunsad sa isla matapos isara at isailalim sa rehabilitasyon nang anim na buwan.

Ayon kay DOT Secretary Wanda Teo, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbukas ng usapin sa pagpupulong ng gabinete. Aniya, ito ay para na rin mabawi ng Boracay ang mawawalang kita nito bunsod ng rehabilitasyon.

Sa isang podcast ng gobyerno, sinabi ni Teo na lubos na ikatutuwa ng DOT na i-showcase ang isla oras na makarekober ito sa pagkasira ng kalikasan.

Matatandaang Pilipinas ang nagsilbing host ng 2016 Miss Universe pageant.

Read more...