PNP, target magkaroon ng 300 K9 dogs bago matapos ang taon
Target ng Philippine National Police na magkaroon ng 300 na K9 dogs bago matapos ang taong 2018.
Ayon kay supt Reynaldo Helaga, deputy chief ng PNP Explosive Ordnance Division o EOD, nakatakda silang bumili ngayong taon ng 48 bagong explosive detection dogs.
Sa ngayon kasi ay mayroon lang silang 200 aso na nakakalat na ngayon sa buong bansa kung saan 45 sa mga ito ay sumasailalim pa sa training.
Pero ayon kay Helaga, kulang pa rin ang 300 k9 units.
Nasa 510 aso kasi aniya ang kailangan ng PNP para sa buong bansa.
Nitong Lunes lamang ay nasa 45 teams na binubuo ng mga myembro ng Special Action Force, Armed Forces of the Philippines, Aviation Security Group, National Capital Region Police Police Regional Office 4-A at PRO 3 ay nakilahok sa unang EOD/K9 Group Explosive Detection Dogs and Handlers Competition.
Kabilang dito ang mga K9 units na ginamit sa engagement sa Marawi.
Una nang sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na nasa P500,000 ang presyo kada isang aso na bibilhin ng PNP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.