2 lalaki sugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa North Caloocan

By Justinne Punsalang April 10, 2018 - 09:32 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Kapwa sugatan ang dalawang motorcycle rider matapos magkabanggaan sa kahabaan ng Langit Road na sakop ng Barangay 176 sa bahagi ng Bagong Silang, Caloocan.

Kwento ng rider na si Bong Ferrol, binabagtas niya ang Langit Road matapos niyang bumili ng bulalo.

Dito na dumating ang humaharurot na si Jessie Reyes, dahilan upang magkabanggaan ang motor ng dalawa.

Tumilapon si Ferrol, habang nagpaikot-ikot naman ang kanyang motor hanggang sa bumangga ito sa isang tricycle.

Mas malala naman ang natamong pinsala ni Reyes na dalawang beses nagsuka ng dugo.

Hinala ng mga otoridad, nakainom si Reyes.

Kapwa walang helmet ang mga rider na isinugod sa ospital ng rumespundeng rescue team.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bagong Silang Caloocan, motorcycle riders, Radyo Inquirer, Bagong Silang Caloocan, motorcycle riders, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.