Lalaki patay sa pamamaril sa Navotas

Kuha ni Justinne Punsalang

Naglalaro lamang sa isang computer shop ang isang lalaki nang ito ay barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Dulong Tangos, Navotas City.

Kinilala ang biktimang si Nataniel Aguilar, 34 na taong gulang, na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at likod.

Kwento ng ina ni Aguilar, kalalaya lamang nito mula sa kulungan dahil sa kasong malicious mischief. At simula nang makalaya ito ay nakatanggap na ang biktima ng banta sa kanyang buhay.

Dagdag pa ng ina ng biktima, hindi sangkot sa kalakaran ng iligal na droga ang kanyang anak, ngunit mayroon itong nakaalitan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa motibo at pagkakakilanlan ng pumaslang kay Aguilar.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...