5 kidnaper patay; 1 pulis ang nasawi din at 3 pulis pa ang sugatan sa engkwentro sa San Pablo Laguna

By Ceasar Soriano, Mark Makalalad April 10, 2018 - 08:48 AM

Photo Credit: Police Senior Inspector Johny Boy Itcay

Patay ang limang hinihinalang kidnaper sa engkwentro na naganap sa Barangay San Nicolas sa San Pablo, Laguna.

Maliban sa nasawing mga suspek, patay din sa nasabing engkwentro ang isang pulis at sugatan ang tatlong pulis pa at isang sibilyan.

Photo Credit: Police Senior Inspector Johny Boy Itcay

Sa insiyal na imbestigasyon, naganap ang engkwentro sa pagitan ng mga suspek at mga tauhan ng PNP-Anti Kidnapping Group pasado alas 6:00 ng umaga ng Martes, April 10.

Dinukot umano ng mga suspek ang isang lalaki na nagngangalang RonaldO De Guzman Arguelles sa kaniyang bahay sa Candelaria, Quezon kagabi.

Ayon kay PNP-AKG Director Glenn Dumlao, tinangay ng mga armado ang mga gamit ni Arguelles at saka isinakay sad ala nilang sasakyan.

Matapos ito, nakatanggap na ng ransom demand ang pamilya ng biktima at P700,000 ang hinihingi ng mga suspek.

Agad nagkasa ng operasyon ang PNP-AKG at nakita ang sasakyan ng mga suspek sa San Pablo City at doon na naganap ang engkwentro.

Nabatid na nakasuot ng fatigue uniform ang mga suspek at base sa name cloths sa kanilang suot, ang mga nakasaad na pangalan ay SPO2 Adalla, SPO3 Fernandez, PO3 Dizon, PO2 Rebadulla, habang ang isa ay walang pagkakakilanlan.

Kinilala naman ang nasawing babaeng pulis na si PO1 Andal habang ang mga sugatan at sina PO1 Mendoza, PO1 Orlanes at PO1 Villaflor at isang hindi pa nakikilala.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang Thompson rifle, 2 caliber 45, 2 granada at iba’t ibang uri ng mga bala.

Photo Credit: Police Senior Inspector Johny Boy Itcay

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Photo Credit: Police Senior Inspector Johny Boy Itcay

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Photo Credit: Police Senior Inspector Johny Boy Itcay

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: anti kidnapping group, breaking news, kidnap for ransom group, Kidnappers, PNP, San Pablo Laguna, anti kidnapping group, breaking news, kidnap for ransom group, Kidnappers, PNP, San Pablo Laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.