17 preso sa Zambonga City, nakatakas
Nakatakas ang 17 preso sa police station 6 ng Zamboanga City, Martes ng madaling araw.
Ayon kay Inspector Shellamae Tubo-Chang, tagapagsalita ng Zamboanga City Police Office, nilagari ng mga preso ang padlock ng kanilang selda at saka normal lang na naglakad palabas ng pasilidad.
Sa main entrance pa ng Tetuan police station lumabas ang mga bilanggo.
Nakilala ang mga tumakas na sina:
- Nadzar Hack
- Rio De Asis
- Arkham Ignacio
Adzmir Ibrahim - William Pajarado
- Alexandrus Manog
- Junie Boy Rodriguez
- Oscar Baguinda
- Roger Mark Vincent Ragas
- Haibi Sandain
- Al-Fermin Saddang
- Emmanuel Matulac
- Adzri Zuhuri
- Jezreel Salazar
- Sulayman Sali
- Jeremy Maruji
- Chuck Lorence Tarangda
Lima sa nasabing mga bilanggo ang muli nang naaresto ng mga pulis.
Binigyan naman ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco ng 24 na oras lang ang mga pulis para muling dakipin ang labingdalawa pang nakakatakas na bilanggo.
Dalang pulis din ang sinuspinde na habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagtakas ng mga preso.
Umapela si Climaco sa mga residente na agad makipag-ugnayan sa mga pulis kapag may nakitang kahina-hinalang mga kilos.
Karamihan sa mga tumakas na preso ay nahaharap sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.