Bahagi ng San Mateo, Rizal; Gen. Trias, Cavite; at Pasay City mawawalan ng suplay ng kuryente

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ng Martes, April 10 ang bahagi ng San Mateo, Rizal; General Trias sa Cavite at Pasay City.

Sa abiso ng Meralco, 5-oras ang power interruption sa bahagi ng San Mateo, Rizal na magsisimula mamayang alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.

Maaapketuhan ang Ismael Park Homes Subdivision at St. Anne Subdivision sa Barangay Ampid 1.

Samantala, sa General Trias naman 5-oras din ang nakatakdang power interruption mula mamayang alas 11:30 ng gabi hanggang alas 4:30 ng madaling araw bukas.

Apektado naman ang bahagi ng Brgy. Sta. Cruz at bahagi ng Brgy. Navarro.

Habang sa Pasay City, 6 na oras naman ang power interruption na magsisimula alas 11:30 ng gabi mamaya hanggang alas 5:30 ng umaga bukas.

Apektado naman ang bahagi ng Aurora Blvd. mula San Roque St. hanggang Andrews Ave. kabialng ang Office For Transportation Security (OTS), Pasay Central Post Office, at iba pang kalapit na mga establisyimento. Apektado din ang bahagi ng Domestic Road at Andrews Ave. mula Aurora Blvd. hanggang sa Philippine Air Lines (PAL) Maintenance Complex at Asian Aerospace.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...