Ilang lalawigan sa Central Luzon, uulanin dahil sa tail-end ng cold front
Umiiral ang tail end ng cold front sa eastern section ng Central Luzon na magdudulot ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon.
Ayon sa PAGASA maari itong magdulot ng pagbaha at landslides sa nabanggit na mga lugar dahil sa mararanasang hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan.
Apektado naman ng easterlies ang Bicol Region, Eastern Visayas at Caraga na makararanas din ng kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms.
Ayon sa PAGASA, posible ring magdulot ng flashfloods at landslides ang hanggang s amalakas na buhos ng ulan na mararanasan sa nasabing mga rehiyon.
Sa Metro Manila naman at sa nalalabing bahagi ng bansa, isolated na pag-ulan lang ang mararanasan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.