Presyo ng bigas, patuloy ang pagtaas

By Erwin Aguilon April 10, 2018 - 03:14 AM

FILE

Pumapalo na sa ika-sampung linggo ang patuloy na pagtaas sa presyo ng bigas.

Ayon sa datos mula sa Philippine Statistics Authority, noong ika-apat na linggo ng Marso pumalo na sa P37.13 ang kada kilo ng ‘wholesale regular-milled rice’ habang P39.74 naman ang ‘retail price.’

Ang nasabing presyo para sa ‘wholesale’ ay mas mataas ng 7.28 percent at 7.38 percent naman para sa ‘retail’ kumpara noong nakalipas na taon sa kaparehong panahon.

Tumaas din ang presyo ng ‘wholesale well-milled rice’ mula sa P38.44 bawat kilo noong isang taon ngayon ay P40.69 na ito.

Para naman sa ‘retail price’ ng ‘well milled rice’ tumaas ito ng 4.85 percent mula noong 2017 kung saan ang kada kilo ay nasa P43.46 na ngayon.

Ang pagsirit ng presyo ng bigas ay sa kabila ng kawalan ng mura at subsidiyang bigas sa merkado mula sa National Food Authority.

Inaasahan na magpapatuloy ang mataas na presyo ng bigas hanggang sa huling linggo ng Mayo kung kailan inaasahang darating ang inangkat na bigas ng bansa.

TAGS: Philippine Statistics Authority, rice, Philippine Statistics Authority, rice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.