Road map para sa long lasting peace determinadong, lalagdahan ng GRP at NDFP panels

By Erwin Aguilon April 10, 2018 - 03:12 AM

Kumpyansa si Communist Party of the Philippine Founding Chairman Jose Maria Sison na ang pagbabalik ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan ng mga rebelde ay magreresulta sa pagkakaroon ng kapayapaan sa bansa.

Ayon kay Sison, determinado ang peace panels mula sa kanilang hanay at sa pamahalaan na magkaroon na ng wrap up para sa ‘mutually agreed peace agreement.’

Kabilang anya sa nasabing kasunduan ang pagkakaroon ng amnestiya sa mga political prisoners na nasa listahan ng National Democratic Front of the Philippines gayundin ang mga kabilang sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms o CASER.

Sa ngayon, pursigido anya ang Government Peace Panel at NDFP para mapagkasunduan ang road map upang makamit na ang pangmatagalang kapayapaan bago matapos ang taong 2018.

Sinabi nito na ginagawa na ngayon ng bawat panig na mabawi ang nawalang oras matapos na kanselahin ng pamahalaan ang usapang pangkapayapaan noong Nobyembre ng nakalipas na taon.

Nauna rito, binigyan ni Pangulong Duterte ang mga rebelde ng 60-araw upang bumalik sa negotiating table.

TAGS: grp, Jose Maria Sison, ndfp, grp, Jose Maria Sison, ndfp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.