Crisis team binuo para iligtas ang dinukot na Italyano sa Dipolog City
Agad na binuo ang isang Crisis Management Committee para mailigtas ang dinukot na negosyanteng Italyano sa Dipolog City kagabi.
Ito ang sinabi ni Police Insp. Dahlan Samuddin. Ani Samuddin ang komite ay pinangungunahan ni Dipolog City Mayor Evenlyn Uy.
Magugunita na dinukot ang 56-year-old na si Rolando Del Torchio mula sa pag-aari niyang “Ur Choice Bistro Café” sa Barangay Miputak ng apat na armadong lalaki na unang nagpanggap na mga customer samantalang may tatlong iba pa ang nagsilbing look-outs.
Isinakay ang dating misyunaryo ng Pontificial Institute for Foreign Mission sa isang white van bago ganap na itinakas gamit ang isang speedboat.
Nanilbihan bilang Pari si Del Torchio sa Sibuco, Zamboanga del Norte mula 1988 hanggang 1996 bago ito lumipat at nagtayo ng sariling negosyo sa lungsod ng Dipolog.
Samantala, natagpuan na ang ginamit na get away vehicle ng mga suspek na isang Silver L-300 Van na may plakang TMY 490 sa gilid ng dagat sa nasabi rin Barangay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.