Bangka, tumaob sa Quezon; 16 nailigtas

By Erwin Aguilon April 10, 2018 - 02:00 AM

Courtesy of Mauban MDRRMO

Nasagip ng mga awtoridad ang mga sakay ng tumaob na bangka sa Mauban, Quezon.

Ayon sa Mauban Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office nakatanggap sila ng tawag kaugnay sa paglubong ng isang bangka na may lulan na 16 indibidwal.

Kaagad nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Mauban MDRRMO katuwan ang Philippine Coast Guard at PNP Maritime Group at natagpuan ang nakataob na bangka.

Nailigtas din ang 16 na pasahero at crew nito na nakitang palutang-lutang sa dagat malapit sa nakataob na bangka.

Nabatid na galing Mauban ang bangka at patungo sana sa Burdeos, Quezon nang hampasin ng malalaking alon na naging sanhi ng pagtaob nito.

Naging pahirapan ang search and rescue operation dahil sa masamang panahon.

TAGS: bangka, Mauban, Mauban Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, MDRRMO, Quezon, tumaob, bangka, Mauban, Mauban Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, MDRRMO, Quezon, tumaob

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.