Boracay, gagawing nang land reform ni Pangulong Duterte
Gagawin nang land reform area ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Boracay island.
Ito ay kapag natapos na ang anim na buwang rehabilitasyon sa isla na magsisimula sa April 26.
Sa talumpati ng pangulo sa Davao International Airport bago dumalo sa Boao Forum sa China, sinabi nito na lalagdaan niya ang isang proklamasyon para maging deklaradong land reform area ang Boracay island.
Nanindigan pa ang pangulo na deklaradong agricultural land ang Boracay.
Kapag naideklarang land reforma area na ang Boracay, ipamimigay niya ito sa mga magsasagka.
Una rito, sinabi ng pangulo na hindi siya pabor na magtayo ng casino sa isla.
Payo pa ng pangulo sa mga mamumuhunan sa boracay, isalba na kung anong gamit pa ang kanilang maisasalba sa Boracay dahil tiyak na ipamimigay niya ito sa mga mahihirap na magsasaka. /
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.