Lalaking nang-hostage sa loob ng bus sa Maynila, patay

hostage
Inquirer file photo

Tumagal lamang ng 30-minutes ang naganap na hostage-taking sa loob ng isang pampasaherong bus sa lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Manila Police District Station 5 Commander PSupt. Albert Barot na tinatahak ng HM Transport Bus ang kahabaan ng Taft Ave. papuntang Alabang Muntinlupa City nang biglang tumayo at nagpunta sa harapan ng Bus ang hindi nakilalang suspect na armado ng patalim.

Sinabi ng ilang pasahero na tuila balisa ang nasabing lalaki na nagpahayag ng kanyang problema tungkol sa kanyang umano’y kaso sa hukuman.

Dahil sa kanyang hawak na patalim ay natakot ang mga pasahero na nag-unahang lumabas gamit ang emergency door na matatagpuan sa dulong bahagi ng bus.

Naiwan sa loob ng bus ang isang babaeng estudyante na umano’y ginawang hostage ng biktima.

Kaagad namang nakahingi ng tulong sa mga pulis ang kunduktor at tsuper ng bus at nagkataong nasa kanto ng Taft Ave. at Pedro Gill street ang isang naka-sibilyang pulis na bahagi ng “Sekreta Unit” ng Manila Police District.

Nang maka-kuha ng pagkakataon ay kaagad na binaril ng pulis ang suspect na idineklara namang Dead-on-Arrival sa Philippine General Hospiral.

Nagsasagawa pa rin ng follow-up report ang mga tauhan ng MPD hingil sa tunay na pagkatao ng hindi pa ring nakikilalang suspect.

Read more...