Residential area sa Caloocan City, nasusunog

By Justinne Punsalang April 09, 2018 - 11:31 PM

Kasalukuyang tinutupok ng apoy ang isang residential area sa Barangay 188, Tala, North Caloocan.

Ayon sa Caloocan Fire Department, bandang 10:10 ng gabi nang sumiklab ang apoy na ngayon ay nasa ikatlong alarma na.

Patuloy pang inaapula ng mga bumbero ang sunog.

Sa ngayon ay wala pang detalye kung paano magsimula ang pagliliyab at kung mayroon bang nasugatan dito.

TAGS: North Caloocan, sunog, Tala, North Caloocan, sunog, Tala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.