“Friction” sa pagitan ng BI Commissioners

June 16, 2015 - 02:09 AM

Wang boAminado si Bureau of Immigration (BI) Associate Commissioner Abdullah Mangotara na may tension sa pagitan nilang tatlong mga opisyal ng ahensya.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Mangotara na bagaman naguusapp naman sila nina BI Commissioner Seigfred Mison, at kapwa niya Associate Commissioner Gilbert Repizo, hindi aniya maitatangging mayroong “friction” sa pagitan nilang tatlo dahil sa pagkakaiba sa ilang mga opinyon.

Sinabi ni Mangotara na nag-uusap naman silang tatlo dahil magkakalapit lamang ang kanilang opisina at hindi maiiwasang nagkakasabay-sabay sila minsang dumating ng tanggapan.

“Ginagawan kami ng intriga para mag-away-away kami sa Bureau of Immigration. Sa official matter, nagkakasundo naman kami, may friction lang dahil sa differences in opinion,” ayon kay Mangotara.

Ayon kay Mangotara, misquoted siya sa mga balitang lumabas sa isang pahayagan na nagsasabing pinangalanan niya sina Mison at Repizo na may kinalaman sa hindi natuloy na deportation sa tinaguriang Crime Lord na si Wang Bo.

Paliwanag ni Mangotara, sa nasabing balita, binanggit ng writer na nakapanayam siya nito sa Rembrandt Hotel. Pero ayon sa opisyal, hindi pa siya nakakapunta sa nasabing hotel.

“Hindi po totoong pinangalanan ko sina Repizo, Villalobos o si Mison. Ang sabi po sa news na-interview daw ako sa Rembrandt Hotel, pero hindi pa po ako nakapunta ng Rembrandt hotel,” dagdag pa ni Mangotara.

Ipinaliwanag naman ni Mangotara ang naging proseso ng pagbawi nilang mga BI officials sa deportation order kay Wang Bo.

Ayon kay Mangotara, sa unang pasya ng BI Board of Commissioners na nilagdaan nilang tatlo nina Mison at Repizo, nakasaad na iniuutos nila ang pagpapatapon kay Wang Bo palabas ng bansa.

Pero nang umapela ang abogado ni Wang Bo, nagkaroon muli ng hearing ang Board of Commissioners ng BI at noong May 21, nag-isyu sila ng panibagong resolution kung saan binabaligtad nila ang naunang deportation order. Ayon kay Mangotara, siya, si Mison, at si Repizo ay pawang pumirma sa panibagong kautusan.

“All of us were for the deportation order initially, nung nagkaroon ng legal challenge, we act on it, ako si Mison at Repizo. Thru the May 21 board resolution, we reversed our initial resolution, and we set aside the deportation, tatlo kaming pumirma diyan,” paliwanag ni Mangotara.

Ayon kay Mangotara sa pagbawi ng naunang deportation order, nais nilang mga miyembro ng Board of Commissioners ng BI na makapagsumite ng authenticated na mga dokumento na nagdedeklarang pugante si Wang Bo sa China, at maging ng authenticated warrant of arrest laban dito.

Nais lamang umano nilang makita at masuri ng mga mabuti ang mga dokumento bago tuluyang ipatapon palabas ng bansa si Wang Bo.

Ang nasabing May 21 resolution ng Board of Commissioners ng BI ay binawi na ni Justice Sec. Leila de Lima kamakailan. Manganghulugan itong matutuloy na ang deportation order sa nasabing Chinese fugitive.

Pero dahil iniimbestigahan ngayon ang umanoy P400 million na suhol na ibinayad para mapigilan ang deportation kay Wang Bo, ay mananatili muna sa bansa ang dayuhan./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: BI, Mison, Radyo Inquirer, Wang bo, BI, Mison, Radyo Inquirer, Wang bo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.