Impeachment complaint kontra Sereno tatapusin na ng Kamara
Tinanggap ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na madaliin ang impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lordes Sereno.
Sinabi ni Alvarez na kaya nilang tapusin kaagad ang proseso sa muling pagbubukas ng sesyon.
Ipinaliwanag ng opisyal na pwede namang pagsabayin ang impeachment case at ang pagdinig sa quo warranto complaint na nakahain sa Suprme Court.
Sa kanyang departure speech kanina sa Davao City, inatasan ng pangulo ang mga kongresista na bilisan ang pagsusumite ng articles of impeachment sa Senado para mapatalsik na sa pwesto sng Chief Justice.
Hindi rin umano makakatulong sa bansa ang pananatili sa pwesto ni Sereno.
Bagaman ayaw umano niyang personalin si Sereno, pero ang Chief Justice na rin ang nagtulak sa pangulo na gawin ang mga ibinibintang sa kanya na minamadali ang impeachment case.
Bago ang Lenten break ng kongreso noong March 21 ay nai-refer na sa plenaryo ng House Committee on Justice ang articles of impeachment laban kay Sereno.
Kinakailangan ang one-third votes ng lahat ng mga miyembro ng Kamara para ito ay ma-endorso sa Senado na tatayo naman bilang isang impeachment court.
Kabilang sa mga reklamong nakapaloob sa impeachment complaints ay ang culpable violation of the Constitution, corruption, betrayal of public trust and other high crimes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.